[UPDATED] Ang Aking Tungkulin.

Okay, i-chachallenge ko sarili ko. Mag-straight Tagalog ako all throughout this entry!

Wait. CUT! Simula pa lang, sira na yung challenge. Pero after ng period ng statement na to, the game begins.

Kinaumagahan nung Tuesday, at medyo napaaga ang dating ko sa school. Ang nakakainis pa, hindi ko alam ang gagawin sa takdang-aralin namin sa Accounting 1. Buti na lang may natapos ako kahit paano, at bago dumating si Professor Olan, nailipat ko na yung takda ko sa dilaw na papel. Yun pala, may hindi ako nasagutan. Grrr. Nalaman ko yung resulta nung takdang-aralin na yun kanina, at yung mga parteng hindi ko nasagutan ay 8 puntos, kaya imbis na 24/39, e di 32/39 na sana ako. NAKAKAASAR.

Ayun, discussions and blah blah. Tumunog na yung bell sa Engineering building, at sa wakas dismissal [di ko alam tagalog nyan] na sa 1st subject. ICS3 na yung susunod na subject, kaya bumaba kame sa ika-2 palapag mula sa ika-5 palapag [oh ha!]. NAKAKAPAGOD. Natawa ako kase akala ko discussion na agad sa ICS3, yun pala, voting for officers na. Nung isang araw, nag voting for officers din kame kaso pumalpak yun kase mga kalokohang “muse and escort” yung binuksan nilang posisyon. Eto totoo na. Nakakatawa yung eleksyon kase si Karl laging nano-nominate [omg di ko lam tagalog] pero hindi siya nananalo. Nagulat kame kase si TJ na ang bagong President! HURRAH!

Tapos voting for Vice President na. Nag-joke ako kina Phi at sabe ko iboto nila ako. Pero joke lang yun. E di ayan, ni-nominate nga ako ni Phi! Akala ko di niya ako narinig, tas ang mga kalaban ko sina Justine at may isa pa. Si Karl din ata? Ayun, sinimulan kay Justine yung boto, at wala siyang mashadong nakuhang boto. Tapos ako na yung sumunod! Pare, para akong engot dun kase sumigaw ako ng, “O, ako lang magvvote sa sarili ko!” pero nagulat ako kasi ang daming nagtaas ng kamay! E di alam niyo na next na nangyare. Ako na ang bagong Vice President. Ako lang yung officer sa klase na walang ginagawa at walang pinapagawa. :>

Si Phi naman yung naging Secretary, tapos si Gian yung Treasurer. Ayokong Treasurer si Gian kasi hindi naman siya responsable. Si Iice ata yung PRO, kung di ako nagkakamali. Ayon, nakakatawa yung eleksyon, parang joke lang talaga.

Tapos may sinasabi sa kin si Clarence at si TJ. Nung ako na daw yung iboboto sa Vice President, nagulat daw sila kase tinaas daw ni Janmar yung parehong kamay niya. Syempre, ako hindi naniwala kase hindi ko nakita. Tapos kinikilig daw sila. Ako? Wala na. Hindi ko na siya crush eh. :)) At saka inisip ko din na baka inutusan lang ‘yun nila Justine/Christian or sadyang nang-aasar lang siya, pero sabi ko nga, ayoko nang pakialaman yun. Sabi ni Janette nakita daw niya, tapos ayan, inasar nanaman ako ng mga tao taong katulad nila Ponch, Camon, and others, pero hindi ako apektado. Ayoko na nga eh, kaya sana tinitigilan na nila ako. O kame.

Sana magampanan ko ang aking tungkulin. Yan yung nangyaring nakakaaliw nung Tuesday. Sa ngayon, wala akong ginawa kundi sumitsit ng sumitsit para magpatahimik sa klase. Yun lang! Sa susunod ulet~

7 thoughts on “[UPDATED] Ang Aking Tungkulin.

  1. tuesday, school, accounting, professor, discussions, bell, engineering building, dismissal, subject, voting for officers, nominate, president, vice president, joke, officer, secretary, treasurer, PRO, crush.
    >:)

    so totoo nga na president talaga si TJ :)) akala ko biro lang haha😄

    congrats sa pagiging vice president! :p

  2. ang cute ng layout mo jaun!!!!!!!!!!!😀

    anyway, tagalog ata ng dismissal ay ‘uwian’ — para sakin. wahaha!😀

    kame lang ata kinilig dun sa botohan eh (kahit wlaa ako don para saksihan ang kilig moments. haha) pero nakakakilig talaga, kahit binasa ko dito sa blog. yiee!! peace jaun!!😛

    go ms. vice president! ^^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s