MABAIT NA BATA.

Okay, someone inspired me to write my blog entries in Tagalog. Not only Bob Ong.

Pauwi na ako ng Las Piñas kaninang mga 1:00 ng hapon tapos napansin ko na medyo makulimlim na yung mga ulap. Alam ko nang malapit na talagang umulan. Sinamahan ako nila Clarence, Janette, Fifi, Iice, and others palabas ng UST campus at inantay nila akong makasakay sa jeep bago sila kumain ng lunch nila.

Pagsakay ko sa FX, naramdaman ko na yung antok. Grabe, gustung-gusto ko nang sumandal dun sa window kaso inaantay ko pa yung sukli ko. Ang bagal. Tapos ayan na, nakuha ko na yung sukli ko at umandar na yung FX. Wala pa kami sa kalagitnaan ng Lawton, nakatulog na ko. Minsan naaalimpungatan ako [tama ba yung term?] at napapadilat ako ng mga ilang segundo para tignan kung natatakpan ba ng panyo yung mukha ko [kase hindi tinted yung FX at baka pinagtatawanan ako ng mga nasa labas habang tulog ako].

Mga 1 oras yung byahe pauwi mula UST hanggang Las Piñas, at nagising na lang ako nung nasa Diosdado Macapagal Hwy kase ang tindi ng ulan. Tapos dahil ang traffic, natulog ulit ako. Nagising nanaman ako nung nasa Coastal na, tapos nakatulog nanaman ako. Nagising na talaga ako [for real na] nung nasa Zapote na kami at mas lalong tumindi yung hagupit ng ulan. Buti na lang may payong ako. Kawawa kasi yung katabi kong taga-FEU, makikipag-meet sa girl, walang payong.

[THE GOOD DEED] Bumaba ako sa RFC at no choice ako kundi lumusong sa baha. Parang bangka na yung sapatos ko kase may tubig na sa loob, at everytime na tatapak ako, nagssqueak siya kasi nga may tubig. Tas ayun, sumilong muna ako hanggang sa tumila ang ulan…

…NA HINDI NANGYARE. Mas lalong lumakas yung ulan. Pinapakiramdaman ko yung mga katabi ko kung tatawid sila, kaso hindi eh. Nauna na yung isang tumawid, tas sumakay ng bus yung dalawa. Naiwan ako at yung mag-ina sa gilid, kaya kinausap ko na sila. Sakto, tatawid din sila.
Ako: Tatawid din po ba kayo?
Nanay: Oo eh.
Ako: Wala po kayong payong?
Nanay: Wala eh…
Ako: Sumilong na lang po kayo dito. Tara po!

Ayan, tumawid na kame. Okay lang kahit todo nabasa ako, basta nasilungan ko yung mag-ina, kase medyo may edad na yung nanay tas yung bata nakakaawa naman kung magkakasakit. Ayoko ng nagkakasakit, kaya ayun. Tinakbo namin yung highway. :))

Tapos sa loob ng RFC, pumunta ako sa bookstore kase bibili ako ng plastic cover. Nung icclaim ko na yung mga gamit ko, tinanong ako nung nagbabantay:
Man: Engineering ka sa UST, iha?
Ako: Opo.
Man: Anong engineering ka?
Ako: *napaisip ako. shyet, ayoko kasi ng tinatanong ako nito eh.* uhm, actually po under kame ng Computer… Engineering.
Man: Computer Engineering? Ay, maganda yan! Mas magagamit mo yan sa panahon ngayon! *with the manghang mangha look in their faces [2 sila]*
Ako: Haha, opo. Sige po, thank you po.

THE END.
So, good girl nga bang talaga?😛

6 thoughts on “MABAIT NA BATA.

    • i don’t have the slightest notion on who that person is.😄

      AKO? shempre! normal na tao naman ako no! hindi ako socialite para hindi lumusong sa baha! pero kase, no choice na eh. :))

      mabaet talaga ako. >:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s