Hindi ko alam.

Okay, just a word of warning. What you will see below this are rants. I’ll just put it in my own language because it’s the easiest way I could express my rants and what happened today, though some I might put in English.

I have a lot of reasons why I shouldn’t hate my mom, not only because she had a hard time giving birth to me, not only because she sacrificed her time and money for sending us to a good school. There are really a lot of reasons why. And I know I am doing whatever I can do just to exchange all that she’s done for us/me and so as to not disappoint them.

Pero ang nakakainis kasi dun, at minsan eto yung dahilan kung bakit gusto ko na hindi na lang ako ipinanganak, eh yung lagi ka na lang pinag-iinitan. Kakaunting mali mo lang, lahat ng pagkakamali mo simula noong pagkabata ka ilalabas niya. Simula pa nung 3 years old ako, walang araw na hindi ako nakatikim ng sermon, ng mga palo, bugbog. Walang araw na hindi ako sinabihang “Bobo”, “Tanga”, “Walang Kwenta”. Hanggang ngayon na 16 years old na ako at nasa College na, ganyan pa rin ang sinasabi.

Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa niyang sabihin yung mga salitang yan, para namang may magagawa yan para mas magtiyaga akong mag-aral. At naiinis pa ako kasi parang ang dahilan kung bakit niya ako pinag-aral sa College eh dahil pagka-graduate ko at nakapagtrabaho ako, makakakuha ako ng maraming PERA. PERA. PERA. Wala nang ibang inisip kundi pera.

Yung rason na yan, matagal ko nang inaalis sa utak ko. Iniisip ko na lang na kaya nag-eexpect ng malaki sa akin yung nanay ko kase ako ang panganay sa pamilya, ako ang unang magkakatrabaho, at saka dahil hindi rin sila nakaranas ng magarbong buhay (kung ikukumpara mo sa buhay ko bilang estudyante ngayon). Para bang gusto nilang kami ang makaranas nun para kahit paano eh maranasan namin kung paano ang humiga sa yaman. Alam mo yun? Ayokong iniisip ang pera kasi mawawala din yan eh, kahit na sabihin mo pang yan ang bubuhay sayo, hindi pa rin. Temporary lang yun.

Minsan nga feeling ko napakamanhid ko na eh, sa mga sampal, sa mga palo, sa mga masasakit na salitang sinasabi nya. Minsan hindi na lang ako nagpapaapekto kase sabe ng isang nabasa ko, “Choose the words that you would only want to hear because what you hear affects what you are and what you will be doing. (in my on words na to)” Gusto ko nga na ganyan na lang ang isipin pero mas masakit pa yata na makarinig ka ng mga pagmumura kesa saksakin ka ng itak maraming beses. Kasi para sa akin, mas masakit yung emotional na pang-aapi kaysa sa physical. Parang ang hirap nyang gamutin, ang hirap pa alisin. Napakalalim na sugat.

Kaya ko nasulat to kasi may nangyari ngayon. Ayoko nang ikwento pero ang bottom line, pinaparating ng mommy ko na napaka-walang kwenta ko talagang anak at napakabobo kong estudyante at wala akong pinag-aralan. Ang sakit ipagduldulan sayo yang mga salitang yan lalo pa kung alam mo sa sarili mo na ginagawa mo ang lahat para lang ma-perfect yung mga quizzes mo, hindi ma-blanko kapag recitation, at magpakitang gilas sa eskwela. Oo masakit, hindi ko nga alam kung ako lang ang nakakaranas ng ganito eh. Pero alam ko matatapos din ang lahat ng ito. If ever maka-graduate ako ng may honors, o makapag-trabaho ako ng may malaking sweldo, gusto ko maibigay ko yung kalahati sa kanila. Wala akong problema sa daddy ko, kase siya yung inspirasyon ko sa mga ganitong bagay, lalo na pareho pa kami ng unibersidad. Ang hindi ko maintindihan eh yung hindi nila maintindihan yung kalagayan ko. Ang labo. Bakit ba parang battered child ako til now. Hindi na nga child eh, teenager na. Nung bata ako gusto kong tumawag sa Bantay Bata 163 pero ayoko namang malayo sa akin yung mommy ko kasi wala pa naman akong alam gawin noon, at saka yung nanay ko yung teaher ko. Hindi ko alam.

Ayoko na. Ang drama ko. Dapat akong maging masaya para magawa ko yung mga dapat kong gawin.

Sa mga makakabasa nito, don’t pity me. I accept whatever my mom says, pero it doesn’t mean na totoo yung mga sinasabe nya. Hindi na lang ako lumalaban. Sinubukan kong lumaban pero mas lalo lang lalala yung away.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s